top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SUPER CRUNCH, NO. 2 SPOT NA SA NORTH DIVISION NG MPBL

Alvin Olivar / MC
Feb 8, 2019
1 min read

UNTI-UNTI dahan-dahan, nakasampa na ngayon ang Makati sa no. 2 spot ng Northern Division ng MPBL Dau Cup, matapos na tibagin ng Super Crunch ang Navotas, 96-87, noong Miyerkules ng hatinggabi sa Navotas Sports Complex.

Anim na players ang umamig ng dobleng pigura para sa Super Crunch na bumanat ng 51-percent nang talunin ang Clutch. Tuma­pos si Jeckster Apinan, dating player ng NLEX Road Warriors ng double-double 20 points at 13 rebounds.

Nakapag-ambag din ang teammates na sina Ex-pro Joseph Sedurifa ng 15 marka, ang parehong marka ni Cedric Ablaza habang si John Rey Villanueva ay may 13, may 11 si Rudy Lingganay at may 10 si Mark Isip para sa ibayong lakas ng Makati na nasa 2nd spot na sa 18-4 card.

Kasunod ng huling pa­nalo, may parehong win-loss record na naitala ang Makati at Manila sa liga na itinatag ni Senador Man­ny Pacquiao at Commissioner PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes.

Sa unang laro, hindi pinaporma ng Quezon City ang hard-fighting Basilan squad sa pagposte ng 74-68 na panalo. Na­mu­no si John Tayongtong sa 18 puntos at pangu­nahan ang Capitals sa .500 win-loss mark.

Pinag-ibayo ng Q.C. sa 10-10 ang win-loss record at nalagay sa 6th spot ng Northern Division. Habang lagpak na­man ang Navotas sa 7th place na may 10-12 record nang matalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page