top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para sa mga ayaw magkasakit diyan, read n’yo ‘to! MGA PARAAN PARA DEHINS MAHAWAHAN NG VIRUS, ALAMIN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2019
2 min read

No Problem

SINGHOT dito, ubo roon, nakaiinis, ‘di ba? ‘Yung nahawahan ka na ng ubo at sipon ng iyong mga kasama, grrr! Kaya naman alamin natin ang ilang paraan para maiwasang mahawahan ng virus:

1. GET YOUR FLU SHOT. Ito ang pinakama­bisang paraan, pero ingat-ingat lang, mga besh! Make sure na ‘yung ituturok sa inyo ay safe at walang side-effect. Okie?

2. STAY AT LEAST THREE FEET AWAY FROM ANYONE WHO’S COUGHING OR SNEEZING. Bukod sa pagsusuot ng mask, make sure na sa tuwing may bumabahing o umuubo, eh, malayo kayo sa kanila nang sa gayun ay hindi maipasa sa inyo ang virus na mayroon sila. Copy?

3. KEEP YOUR HANDS AWAY FROM YOUR FACE — AND FAR FROM YOUR MOUTH AND NOSE. Kung madalas ninyong hinahawakan ang inyong mukha, dapat ay palagi kayong maglalagay ng hand sanitizer para kahit papaano, eh, mabawasan ang bakterya at hindi ninyo ito maipasa sa inyong mukha na magreresulta sa pagkakaroon ninyo ng virus.

4. AVOID SHARING FOOD WITH INFECTED PEOPLE. Kung nauuhaw ka o gusto mong kumain, huwag ka ng maki-share sa taong may ubo at sipon para hindi ka mahawahan. Okie?

5. DO YOUR OWN DISHES. Kung may mga kasama kayo sa bahay na may virus, make sure na sasabihan ninyo sila na hugasan kaagad nila ‘yung mga kutsara, pinggan at baso na ginamit nila nang sa gayun ay hindi na kumalat pa ang virus.

6. GET SUFFICIENT SLEEP. Ooops, sobrang importante ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga nang sa gayun ay ma-prevent ninyo ang pagkakaroon ng respiratory viruses tulad ng ubo, sipon at trangkaso.

Oh, ‘di ba, easy lang ang mga paraan para dehins tayo mahawahan ng sakit na usung-uso ngayon, kaya dapat ay huwag matigas ang ulo, ha?

Be protected and prepared, mga lodi!

Gets n’yo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page