top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Maestro...BABALA PARA SA MGA IPINANGANAK NGAYONG TAON NG MGA BABOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 2 min read

SA career, negosyo at aspetong pangmateryal na bagay, ‘yung mga na­karaang pag-aalinlangan at pag-aalala ngayong 2019 ay tuluyan nang ma­wawala. Kaya sa negosyo, propesyon at panganga­lakal ay medyo lalakas na ang iyong loob ngayong taong ito upang makipag­sa­palaran.

Dagdag pa rito, dahil medyo buo na ang iyong kur­sunada, maraming mga bagong oportunidad ng pagkakakitaan ang darating sa buhay mo kung saan ka­sabay din nito ang pagdating ng mga bagong kakilala at ka­ibigan. Kaya ngayong taon, inaasahan ding mara­ming tutulong sa iyo kung saan ang mga tulong at ayuda na iyong matatanggap ay hindi mo dapat tanggihan dahil habang maraming tumutu­long sa iyo, mas lalong du­modoble ang magagandang kapala­ran at mga suwerteng iyong mata­tanggap.

Hindi lang mga tulong at ayuda ang iyong matatang­gap, marami ring salapi at materyal na bagay ang dara­ting na ikagugulat mo dahil ang mga suwerteng ito ay hindi mo naman talaga ina­asahan tulad ng bigla kang makapupulot ng malaking halaga o kaya naman ay out of nowhere, biglang may mag-o-offer sa iyo ng bultu-bultong salapi na kahit ka­ilan ay hindi naman sumagi sa isip mo na mangyayari ang ganu’ng sitwasyon.

Kung nalugi ka noong nakarang taong 2018 o bu­maba ang iyong kinikita, nga­yon 2019, babalik nang muli ang suwerte mo at ma­gagandang kapalaran sa la­hat ng aspeto na may kaug­na­yan sa materyal na bagay. Ang ikinaganda pa nito, ka­hit hindi ka gaanong kumi­los ay lalago pa rin ang iyong kabuhayan.

Kaya lang dahil nga gu­maganda na ang iyong kapa­­laran, hindi rin maiiwasan ang mga taong maiinggit, maninira at lihim na ipagda­rasal ang iyong pagbagsak. Pero, siyempre kahit mag­sul­putan pa sila kung saan-saan hindi mo sila dapat pan­sinin dahil kapag pinansin mo sila, masisira lang lalo ang magandang diskarteng iyong nasimulan at maaari pang mapurnada ang mabu­ting kapalarang sadyang inilaan ng langit para sa iyo ngayong taong ito ng 2019.

At dahil nga maraming suwerte at magagandang pangyayaring magaganap sa larangan ng negosyo, career, propesyon at materyal na ba­gay, may babala sa iyo na mu­ling iiral ang pagiging “ex­cessive mo” o ang ne­ga­ti­bong ugali ng mga Ba­boy tulad mo, “ang pagmama­labis at kawalang-ingat.”

Kaya kapag nararamda­man mong sumosobra ang dami ng pera mo o kaya na­man ay parang bumibilis nang bumibilis ang iyong pag­yaman, hindi ka dapat magmalabis, maging maya­bang at maglustay nang maglustay. Sa pagkakataong ‘yun na nararamdaman mong yumayabang ka dahil nga mabilis na dumarami ang iyong mga ari-arian, salapi at kabuhayan, alalahanin mo palagi ang nakaukit sa ma­hiwagang singsing ng hari: “This too shall pass!” Sabi­hin mo sa sarili mong, “hindi ako dapat magmalabis. Su­supilin ko ang aking sarili at damdamin, gayundin ang aking kayabangan at ang aking pagiging lustay at bu­lagsak sapagkat anumang yaman at karangyaan ang ti­natamasa ko ngayon, batid kong ito ay lilipas din!”

At dahil minsan sadyang dumarating ang mga nega­tibong kapalarang hindi ta­laga maiiwasan, kaya na­man kapag nakaramdam ka ng kalungkutan, kabiguan sa buhay, kawalang pag-asa at pag-iisa, kaagad mong pa­alalahanan ang iyong sari­li.

Sa ganyang paraan, ka­pag sumusunod ka at isina­buhay mo ang mga gabay at karunungang itinuturo ni Maestro Honorio Ong, nga­yong 2019 na nagka­taong ito rin ang sarili mong taon, magtatagumpay ka at ha­bambuhay na magiging maligaya.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page