GM SO, UNA SA NAPILING KALAHOK SA GRAND PRIX

MULING kinilala ang posibilidad na maaaring maging world champion ni Pinoy Grandmaster Wesley Barbosa So matapos na isama ang kanyang pangalan sa 2o woodpushers na lalahok sa isang qualifying chess series kung saan ang top two finishers ay makakakuha ng tiket papunta sa 2020 FIDE World Chess Candidates’ Matches.
Dalawampung chessers, kabilang na ang tubong Cavite na si So, 25 taong gulang at dating hari ng Philippine chess, ang napabilang sa mga piling kalahok sa 2019 Grand Prix Chess Series. May apat na bahagi ang serye kung saan bawat serye ay may cash purse na €130,000. Bukod dito, may karagdagang €280,000 na naghihintay sa topnotcher ng serye.
Ang unang leg ay gaganapin sa Mayo 16 - 30; ang pangalawang bahagi ay masasaksihan sa Hulyo 11 - 25; ang pangatlong parte ay uusok sa Nobyembre 4 - 18 samantalang sa Disyembre 10 - 24 naman lalatag ang huling yugto. Kasama sa piling pulutong ng kalahok sina Norwegian GM Magnus Carlsen, GM Fabiano Caruana (USA), GM Shakhriyar Mamedyarov (Azerbaijan), GM Ding Liren (China), GM Vladimir Kramnik (Russia), GM Maxime Vachier Lagrave (France), GM Anish Giri (Netherlands), GM Levon Aronian (Armenia), GM Vishwanathan Anand (India), GM Alexander Grischuk (Russia), GM Hikaru Nakamura (USA), GM Sergey Karjakin (Russia), GM Yu Yangyi (China), GM Ian Nepomniachtchi (Russia), GM Peter Svidler (Russia), GM Teimour Radjabov, GM Veselin Topalov, GM Dmitry Jakovenko at GM David Navara (England).





Comments