top of page
Pokwang.jpg

Alam daw kung saan sila pupuntahan… HIRIT NI JINGGOY: MISIS NAMIN NI BONG, MASAYANG-MASAYA NANG MAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2019
2 min read

HINDI lang si Sen. Bong Revilla, Jr. ang nakaka­­ranas ng pambu-bully ng mga kalaban sa pulitika hanggang ngayong nakalabas na siya, kundi maging ang kaibigan niya at kasamang nakulong na si Sen. Jinggoy Estrada.

“Marami pa rin, dahil ayaw nilang tumigil,” saad ng senatorial candidate kahapon sa lunch with the entertainment press. “Siguro, may mga iba’t ibang sektor, they are trying to pull us down kasi modesty aside, kahit paano, pumapasok kami sa survey.”

Kung tutuusin ay acquitted na nga raw si Sen. Bong kaya nagtataka nga rin sila kung bakit pilit na ibinabalik pa ang dating issue.

Bagama’t kasalukuyan pa ring dinidinig ang kaso niya, umaasa naman daw siyang magiging positibo rin ang resulta nito.

“Hopefully, ‘yung kaso ko, although it’s still pending, I hope and I’m confident na sana, ganu’n din ang kalalabasan,” pahayag ni Jinggoy.

Paano niya hina-handle ang mga bashers?

“I just ignore them. Kasi, kung papatulan mo, hahaba pa ‘yan. Siyempre, bigyan natin sila ng res­peto. That’s their own opinion. May kani-kanya naman tayong opinyon, so respetuhan na lang.

“Pero huwag naman below the belt, kasi ‘yung iba, hindi naman nila alam ‘yung puno’t dulo ng kaso, eh. They just surmise, eh. Nag-i-speculate na lang sila.”

Pero ikinatutuwa naman niya na sa pag-iikot nila sa buong Pilipi­nas ay nararamdaman naman niya ang init ng pagsalubong sa kanya ng mga tao.

“Maraming natutuwa, may mga umiiyak pa. So, du’n ko nakukuha ‘yung aking lakas ng loob,” he said.

Sa ngayon ay wala pa sa plano ni Sen. Jinggoy ang magbalik-showbiz dahil aniya, ang taba niya ngayon. Nata­nong nga sa kanya kung sino ba ang gusto niyang maging leading lady sakaling gagawa siya ng pelikula at biro niya, “Siyempre, ‘yung bata.”

Pero aminado naman siyang hindi na siya updated ngayon sa mga bago nating artista dahil ang mga kilala raw niya ay ang mga kapanahunan niya tulad ni Sharon Cuneta.

May nagbiro kung kilala ba niya si Kim Domingo at natawa ang dating senador.

“Ah, ‘yung dumalaw sa amin sa Crame?” sey niya. Tawanan.

Matatandaang natsismis nga na dumalaw sa kanila ni Sen. Bong ang tinaguriang Pantasya ng Bayan last year dahil sa imbitasyon ng veteran columnist and talent manager na si Lolit Solis.

Sino ang ka-close ni Kim, siya o si Sen. Bong?

“No comment,” natatawang sabi ni Jinggoy. Tawa­nan na naman.

Ano ang reaksiyon niya nang makita si Kim? First time niya bang makita ang Kapuso star?

“Oo, sexy pala, eh,” sambit niya. Tawanan ulit.

When asked kung sino pa ang ibang dumalaw, aniya ay wala na, na ayaw naming paniwa­laan.

“Wala akong nakikita. Kami lang ni Bong ang araw-araw nag­kikita, saka mga asawa namin. Dalawang tao lang ang masaya noong na­kulong kami, eh, si Lani at saka si Precy (asawa nila), alam nila kung saan kami pupuntahan, eh.”

Anyway, nasa presscon din ang anak niyang si Janella Ejercito na tumatakbo namang mayor ng San Juan at si Edu Manzano na kumakandidatong congressman ng nasabing siyudad pa rin. Lahat sila ay nasa ilalim ng partidong Pwersa ng Masang Pilipino ni Manila Mayor Joseph Estrada.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page