Sumabog sa mukha | KELOT TODAS SA E-CIGARETTE
SUMABOG ang e-cigarette sa mukha ng lalaki dahilan para masawi ito sa North Texas.
Batay sa ulat ng Tarrant Country Medical Examiner’s Office, nasawi ang biktimang si William Brown, 24, dalawang araw matapos masabugan ng vaporizer pen sa e-cigarette shop na malapit sa Keller.
Bukod pa rito, kumalat umano ang shrapnel sa utak ni Brown na dahilan ng pagkamatay nito.
Noong Mayo ng nakaraang taon, nasawi rin ang 38-anyos na biktima makaraang masunog ang 80 porsiyento ng katawan nito sa Florida.





Comments