Shoutout sa mga subsob sa work diyan, read n’yo ‘to! 5 BENEPISYO NG SOCIAL LIFE
- Donna Thea Topacio
- Feb 7, 2019
- 1 min read

NO PROBLEM
HINAY-hinay lang sa pagtatrabaho, friend! ‘Ika nga nila, enjoy-enjoy din at huwag masyadong magpakasubsob sa work kahit marami ka pang responsibilidad sa buhay dahil importante na mayroon ka pa ring social life, kaya alamin natin ang mga benepisyong naidudulot ng social life sa ating buhay:
1. INCREASED PHYSICAL HEALTH. Kapag may social life ka, keri mong maging productive kahit pagod o malungkot ka, besh, sa ganitong paraan, dehins mo na need magmukmok sa kuwarto nang mag-isa.
2. BOOSTED IMMUNE SYSTEM. Ayon sa pag-aaral, nakabu-boost ng immune system ang pagkakaroon ng social life dahil malaki ang naitutulong ng mga taong nakakasama mo sa tuwing may pinagdaraanan kang problema. ‘Yun, oh!
3. MORE POSITIVE OUTLOOK ON LIFE. Siyempre, dahil feeling mo, eh, hindi ka nag-iisa mas nae-encouraged kang maging positibo sa buhay lalo na at alam mong maaasahan mo ang mga kaibigan mo, gayundin na maaasahan ka nila.
4. IMPROVED MENTAL SHARPNESS. Sa mga panahon kung kailan tayo nakikipagkuwentuhan sa ating mga kaibigan, imposibleng wala tayong natututunang aral sa buhay. Ibig sabihin, sa mga payo nila sa atin mas tumatalas ang ating isipan at mas nagiging matalino tayo sa pagdedesisyon.
5. LONGER, HAPPIER LIVES. Kapag hindi ka loner, mas pipiliin mong mabuhay pa nang matagal para matagal mo pang makasama ang iyong mga kaibigan, gayundin ang mga mahal mo sa buhay. Sa ganitong paraan, aalagaan mo ang iyong sarili at ie-enjoy mo ang buhay mo habang nabubuhay ka pa sa mundo.
Oh, ayan, mga beshy, kaya make sure na, once in a while, eh, nakakalabas o nakapagsasaya kayo, para iwas-bad vibes.
Okie?





Comments