P24-b cocaine, nasabat
KINUMPIRMA ng U.S. Coast Guard ang pagkakakumpiska sa halos 35,000 pounds ng cocaine sa international waters sa Eastern Pacific Ocean.
Ayon sa pahayag, ang mga droga ay naharang sa coastline ng Mexico, Central at South America mula sa 21 magkakaibang operasyon kontra sa drug smuggling vessels.
Samantala, sinasabing nagkakahalagang $466 million ang nakumpiskang cocaine.
Ayon sa coast guard, dinoble pa nila ang kampanya kasama ang iba pang ahensiya sa mga lugar ng Eastern Pacific Ocean at Caribbean Basin na kilalang drug transit zones ng mga drug lord mula sa Central at South America.





Comments