top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG LUMIGAYA KUNG GAGAMIT NG MASUSUWERTENG NUMERO AT KU

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2019
3 min read

Dear Maestro,

Matagal na akong su­mu­subaybay sa inyong mga artikulo, pero ang gusto ko talagang malaman ay ang interpretasyon ninyo sa birthday ko na July 1, 1990 at kung ano ang mangya­yari sa aking kapalaran?

Nais ko ring malaman kung ano ang aking ma­susuwerteng kulay, araw, buwan at taon?

Sana, masagot ninyo ang aking mga kata­nu­ngan para magkaroon din ako ng gabay sa aking bu­hay kung paano ako mag­tatagumpay at magiging maligaya.

Umaasa,

Marianne ng San Isidro, Lubao, Pampanga

Dear Marianne,

Ayon sa birth date mong 1 at zodiac sign na Cancer, mapalad ka sa kulay dilaw at berde habang ang destiny number mong 9 (7+1+1990 =1998/ 19+98=117/ 11+7= 18/ 1+8=9) ay nagsasabing, puwede ka ring gumamit ng kulay pula, pink, lavender at asul.

Ganito mo ito maaaring gamitin, tuwing sasapit ang mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31 higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo, dilaw ang gamitin mo.

Tuwing sasapit naman ang mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25 higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lu­nes at Sabado, kulay berde ang gamitin mo.

Tuwing sasapit naman ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27 higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, kulay pula ang gamitin mo. Kapag sawa ka na sa pula, puwede mong ipamalit ang kulay pink, lavender at asul.

Sa pagpili ng susuotin o gagamiting kulay, dapat ay pakikiramdaman mo rin ang iyong kapalaran, kumbaga, sadyang mahalaga pa rin ang “daily diary keeping” upang du’n mo itatala kung may paborable bang nangyari sa iyo sa panahong isinuot o ginamit mo ang partikular na kulay.

Sa ganu’ng paraan, itina­tala mong masinop ang nang­yayari sa pang-araw-araw mong buhay higit lalo sa ma­ha­halagang okasyon na iyong pinupuntahan, statis­tically at scientifically spea­king, nagiging bahagi ka ng iyong takdang kapalaran.

Kaya masasabing hindi naman talaga nakatakda ang kapalaran o tadhana, sa ha­lip, bilang buhay na indibid­wal, nagpa-participate ka upang aktibo kang makilahok sa paghugis at paghubog ng nakatakdang kapalarang ipi­nararanas sa atin, araw-araw.

Alalahanin mong ang tao ay nilikha na hindi tulad ng bato sa tabin-dagat. Sa pag­ham­pas ng alon, kusa siyang kumikinis at gumaganda, pero maaari rin siyang tanga­yin ng malakas na alon at ihampas kung saan-saan.

Sa halip, mas higit ang tao sa bato na hindi kumi­kilos at walang kakayahang mag-isip dahil ang tao ay malaya, oo, malaya niyang ma­gagawa ang kanyang gusto at naisin sa buhay.

Ma­laya siyang makapa­mimili kung saan niya nais pumunta at makipagsa­pa­laran at sa pagpili ng isusuot na damit o gagamiting kulay, tulad ng naipaliwanag na, malaya ang taong gawin ang kanyang mga gusto sa buhay.

‘Yung mga suwerteng kulay na ipinaliliwanag natin sa artikulong ito ay gabay la­mang sa inyong buhay, subalit, sa kabila nito, malaya pa rin naman kayong guma­mit ng mga kulay na paborito ninyo.

Gayunman, bukod sa ku­lay, itala n’yo rin sa inyong journal ang mga petsa, araw o buwan kung kailan kayo si­nuwerte at minalas, sa gani­tong paraan, mahahawakan n’yo na ang inyong kapa­la­ran.

Kusa namang iigting ang iyong mabuting kapalaran, Aubrey, mula sa ika-18 ng Hunyo hanggang sa ika-27 ng Hulyo, mula sa ika-18 ng Oktubre hanggang sa ika-27 ng Nobyembre at mula sa ika-18 ng Enero hanggang ika-27 ng Pebrero.

At sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng reko­mendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap, sa taong 2024, sa edad mong 34 pa­taas at sa taong 2033 sa edad mong 43 pataas, magsisi­mula ka nang umunlad hanggang sa tuluy-tuloy nang lumi­gaya at magtagumpay sa iyong buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page