Magnitude 5.6 na lindol tumama sa India
Jersey Sanchez
Feb 7, 2019
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 5.6 na lindol ang India.
Ayon sa European-Mediterranean Seismological Center (EMSC), niyanig ang hilagang bahagi ng bansa, partikular sa Jammu at Kashmir States.
Gayunman, naitala ang pagyanig sa 118 kilometers northwest sa siyudad ng Sringar.
Samantala, walang naiulat na nasawi, nasugatan at napinsala sa naturang lindol.





Comments