Gusto pa raw humaba ang buhay ng padir… BONG, AYAW MANAHIN ANG AGIMAT NI RAMON REVILLA, SR.
- BULGAR

- Feb 7, 2019
- 1 min read

HINDI pa man nag-aartista noon si Bong Revilla, Jr. at kasikatan ng kanyang ama bilang isang action star, marami na ang nagsasabing may taglay na agimat si Ramon Revilla, Sr.. Gustung-gusto ng mga moviegoers ang kanyang mga pelikula, lalo na ang Pepeng Agimat.
In real life, maraming pinagdaanang pagsubok ang dating senador na si Ramon Revilla, Sr.. Maging ang kanyang kalusugan ay ilang beses na ring nalagay sa peligro, pero nalagpasan niya itong lahat.
Kaya naniniwala si Bong na may taglay ngang agimat ang kanyang ama. At wala siyang balak na manahin ang agimat ng kanyang Daddy Ramon dahil mas gugustuhin daw niyang makapiling pa ang ama nang matagal at humaba pa ang buhay nito.
Nagagabayan pa rin at nabibigyan ng advise ni Ramon, Sr. si Bong kapag may mga problema siya, tulad ng pagpapatawad sa mga taong umapi at nagpakulong sa kanya sa PNP Custodial Center nang mahigit na apat na taon.
Sa ngayon, nagpapahatid ng pasasalamat si Bong sa lahat ng taong tumulong, nagdasal at sumuporta sa kanya.





Comments