top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Go Negosyo, DOTr, Ride sharing & Logistics Digital Platforms, nag-usap tungkol sa digitalization

  • Thea Janica Teh
  • Feb 7, 2019
  • 2 min read

HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nasundan ang meeting ng GO Negosyo, ride sharing at logistics digital platforms tungkol sa pagpapatibay ng digitalization sa bansa. Ito ay pinangunahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion kasama ang Angkas, Grab, Lalamove at Quad X. Ngunit, hindi lang sila ang nagkaharap-harap at nagkausap, kasama na rin nila sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, DOTr Undersec­retary Mark Richmond de Leon, LTO Chief Assistant Secretary Edgar C. Galavant at LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Malaki ang pagbabago para sa pamumuhay ng bawat Pilipino ang digitalization at sinusuportahan ito ni Concepcion sa iba pang online platforms. Ibinahagi rin niya sa meeting na ang digital market place ay maka­pagbibigay ng oportunidad sa mga micro at small entrepreneur, “ride sharing is the way forward”.

Ito ay sinang-ayunan ni Secretary Tugade dahil ang digitalization ay hindi lamang para sa pro-poor kundi pro-all. Ipinaliwanag din niya ang pagtigil ng operasyon ng Angkas na hindi siya against sa iba pang mode of transportation basta ito ay safe, efficient at comfortable sa mga Pilipino. Binanggit din niya na huwag silang ituring na kalaban kundi ituring silang partner sa ganitong sit­wasyon.

Humiling si Concepcion na magkaroon ng technical working group na siyang magreresolba sa mga isyu kabilang ang current policy, law at judicial decision. Ito rin ay katunayan na bukas ang gobyerno na makipagtu­lungan sa mga private sector para matulungan hindi lang ang mga MSME kundi pati na rin ang mga kababayan nating maki­kinabang dito.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page