top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Babaeng itinakwil ng mga magulang dahil nabuntis at hindi pinanagutan

  • ROMA AMOR
  • Feb 7, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Ericka, 19 years old. Sa ngayon, apat na buwan na akong buntis, pero hindi kami okay ng parents ko mula nang nalaman nilang buntis ako. Sinabi pa nila na disgrasyada raw ako dahil nabuntis ako at iniwanan. Tanggap ko naman na nagkamali ako at pinagsisihan ko ‘yun. Kaya ngayong magiging magulang na ako, gusto ko sanang magkaayos na kami. Nakikituloy lang ako sa tita ko, kaya nahihiya na rin ako. Ano ang dapat kong gawin? Sana, ma­tulungan ninyo ako. Maraming salamat! — Ericka

Ericka,

Siguro, nabigla ang mga magulang mo nu’ng na­laman nilang buntis ka kaya nila nasabi ang mga salita na ‘yun. Ang maipapayo namin sa’yo ay subukan mo muling kausapin ang mga magulang mo nang ma­hinahon. Siguradong ngayon, eh, kalmado na ang isipan nila. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Puntahan mo na sila at kausapin. ‘Ika nga nila, walang magulang ang kayang tiisin ang kanyang anak. Good luck sa’yo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page