Rider dedbol sa oil tanker
- Pabs Hernandez III
- Feb 6, 2019
- 1 min read
QUEZON—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa oil tanker ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Kanlurang Mayao, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Adrian Baladad, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo ni Baladad kaya aksidente itong bumangga sa oil tanker na minamaneho ni Jetro dela Peña.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Baladad, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Dela Peña.





Comments