No regrets dahil haping-hapi raw, Jaclyn… ANDI, MAS PINILING MAGPABUNTIS KESA MAG-ARTISTA


MARAMI ang labis na nanghihinayang kay Andi Eigenmann na mukhang mapapahinga na naman sa showbiz dahil buntis courtesy ng BF na surfer na si Philmar Alipayo na nakilala niya sa Siargao.
More than 14 weeks na ang ipinagbubuntis ni Andi at tama lang ang age gap sa panganay niyang si Ellie na 7 years old na ngayon. Pagkapanganak ni Andi ay 8 years old na ang kanyang smart at bibong little girl na si Ellie.
It seems wala namang regrets si Andi kung mas pinili niyang muling maging ina kesa magpatuloy sa pag-aartista. Personal choice niya ‘yun at dito siya maligaya. Maging ang kanyang mom na si Jaclyn Jose, hindi siya kayang pigilan kapag in love. Tulad ni Andi, sobra ring magmahal noon si Jaclyn.
Pero, hindi lang maiaalis na may mga kaibigang nagmamalasakit kay Andi na nanghihinayang sa mga oportunidad na kanyang pinakawalan. Puwede namang ma-in love na hindi igi-give-up ang career!





Comments