top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Natakot sa BIR… REGINE, NAGSALITA NA SA MILYONES NA TF SA 3 KANTA LANG!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2019
  • 1 min read

MAY mga bagong revelations si Asia’s Songbird Regine Velasquez nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda hosted by Tito Boy Abunda last Monday para sa promo ng upcoming concert nila ni Vice Ganda.

Sa segment na True or False, isa sa mga tanong kay Regine ay kung totoo bang milyones na ang talent fee niya para sa tatlong kanta lang.

“False,” ang sagot ni Songbird sabay hirit ng “BIR, hello!”

Dagdag naman ni Tito Boy, na­niniwala siya kay Regine dahil sa pagkakakilala niya rito, minsan nga raw ay free pa ang pagkanta nito para sa mga kaibigan.

Nakakatawa naman ang pag-amin ni Regine na naka-de-kuwatro siyang matulog. Nu’ng una nga raw siyang makita ng mister niyang si Ogie Alcasid sa ganu’ng posisyon, shocked ito kung bakit medyo nakaangat ang kumot, ‘yun pala ay naka-de-kuwatro si Redj.

Hindi naman na-elaborate ang isyung na-banned si Regine sa Araneta Coliseum pero idinenay ito ng Asia’s Songbird, not true raw.

Ang kinumpirma ni Regine ay hanggang ngayon pala, kahit ilang dekada na siyang singer ay patuloy pa rin siya sa pagbo-voice lesson. Dahil nagkakaedad na raw siya, siyempre ay iba na ang way ng pagkanta na kaya niya ngayon kumpara sa nakakaya niyang gawin noon.

Well, wala namang masama kung nagbo-voice lesson pa rin si Regine. Mas okay nga ‘yun dahil at least, mas maaalagaan niya ang kanyang boses para ‘di na maulit ang pagpiyok niya noon sa kanyang concert ilang taon na ang nakararaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page