Nanay na dehins knows kung paano patitinuin ang mga anak

Dear Roma,
Ako si Eliza, 45 years old at may 3 anak na lalaki. Sa totoo lang, suko na ako sa kanila dahil palagi akong napatatawag sa school nila dahil may ginawa silang kalokohan. Hindi ko na alam kung paano ko sila patitinuin. Sana, mabigyan ninyo ako ng payo para malagpasan ko ang problemang ito. Salamat! — Eliza
Eliza,
Naku, ang hirap talaga kapag ‘yung mga anak, eh, matitigas ang ulo. Pero, bilang magulang alam kong mahal mo sila kaya kahit nahihirapan ka na, eh, hindi mo pa rin sila sinusukuan. Ang maipapayo natin sa iyo ay huwag kang tumigil na pagsabihan sila dahil darating din ‘yung panahon na mare-realized din nila ‘yung mga bagay na nagawa nila na hindi pala maganda. Kapit lang, mamsh! Enjoy-in mo ang buhay! Good luck!





Comments