Civil war sa Venezuela, imbento lang —Guaido
BINALEWALA ni Venezuelan opposition leader Juan Guaido ang banta ni President Nicolas Maduro na magkakaroon ng civil war kaugnay ng krisis sa politika ng bansa, gayundin, imbento lamang daw ito ni Maduro.
Dumami pa ang mga bansa na sumusuporta sa opposition leader kaya tumindi ang pressure kay Maduro na magbitiw sa puwesto.
Matatandaang, nagmatigas si Maduro sa panawagan ng United Kingdom, France, Germany, Spain at iba pang bansa na magsagawa ng eleksiyon.
Gayunman, una nang kinilala ng U.S. at 17 European countries si Guiado bilang interim president ng bansa.
2013 nang pumanaw si President Hugo Chavez dahilan para maupo si Maduro sa puwesto kung saan kinondena ito dahil sa pang-aabuso sa karapatang-pantao at maling pamamahala sa ekonomiya, gayundin ang kakulangan sa pagkain, gamot at basic items sa bansa.





Comments