Ang gusto ng guy, boss na boss siya… COMEDIAN-TV HOST, GUSTONG IWAN NG MISIS ANG SHOWBIZ BAGO NIYA
- BULGAR

- Feb 6, 2019
- 1 min read
Blind Item:
MAHAL pa rin ng magaling na aktres ang kanyang nakahiwalay na mister na isang comedian-TV host lalo na’t gusto rin ng dalawa nilang anak na magkabalikan sila at mabuong muli ang kanilang pamilya.
Nang magkahiwalay ang magandang aktres at mister niyang comedian-TV host, nagkaroon ng relasyon ang huli sa isa ring aktres-TV host na kasamahan niya sa show. Nagkaroon sila ng isang anak pero dahil sa sobrang conservative ng aktres-TV host na nabaling sa religion ang panahon, nakipaghiwalay din ito sa comedian-TV host at naging friends na lang sila.
Nang matapos ang relasyon ng comedian-TV host sa kasamahan niya sa show, sinubukan niyang balikan ang kanyang misis na magaling na aktres. Pero ang kondisyon ng lalaki, kailangang i-give-up ng magaling na aktres ang kanyang career at stay at home na lang siya para may mag-asikaso sa kanya.
Natural, hindi pumayag si wifey na maging plain housewife na lang dahil career-oriented ito. Ang ipinagtataka ni wifey, bakit noong may relasyon ang comedian-TV host sa kasama niya sa show ay hindi niya pinatigil sa showbiz ang karelasyon? Ganu’n din ang bagong babae na bata at pinakasalan na ni comedian-TV host, may career pa rin ito.
So, double standard ba ang kanyang mister?





Comments