Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGSASAYAW NG MGA DRAGON

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kultura ng mga Tsino tungkol sa dragon na nakikita sa Chinese New Year.
Tapos na ang Chinese New Year! Paniguradong kahapon, February 5, eh, nakita natin ang napakaraming Chinese dragons sa halos lahat ng kalye sa Chinatown. Bagama’t, ang kinikilalang Chinatown ay ang Binondo sa Maynila, ang mga Chinese ay nasa Sta. Cruz at Quiapo area at mga kalapit na lugar.
Kaya kung gusto ninyong makapanood ng the Chinese dragon dance, pumunta na kayo sa nasabing mga lugar sa Chinese New Year kung saan iba’t ibang Chinese dragons ang inyong makikita na nagsasayaw.
Pinaniniwalaang ang mga manonood ng Chinese dragon dance ay susuwertehin lalo na sa mga aktibidad na may kinalaman kung saan nakataya ang kapalaran, partikular na sa sugal, casino at lotto.
Sinasabi rin na gaganda ang kapalaran ng mga makapanonood at matutuwa sa Chinese dragon dance, kaya kung gusto mong magkatotoo ang iyong mga kahilingan sa buhay na may kaugnayan sa pera o pinansiyal na aspeto at lalo na sa negosyo, tara na at manood tayo ng Chinese dragon dance.
Pinaniniwalaan din na ang mismong lugar kung saan magkakaroon ng dragon dance ay susuwertehin, uunlad at aasenso ang negosyo.
Ito ang dahilan kung bakit maraming place of business ang nagsasagawa ng ganitong nakaugalian.
Kaya ang palatandaan ng lugar na aangat sa pag-unlad ay kung gaano karaming dragon dance ang ginawa sa kanila.
Bukod sa susuwertehin ang lugar, susuwertehin din ang may-ari ng negosyo, mga empleyado at ang mismong makakakita sa pagsasayaw ng mga ito.
Nagpapataas ng antas sa pagiging masuwerte ang mga makasasaksi kapag ang kanilang suot na damit ay kakulay ng dragon kung saan ang kadalasang kulay nila ay green dahil ito ay simbolo ng maunlad na negosyo na maihahalintulad sa ani ng mga pananim, kaya ang green ay para sa great harvest.
Sa totoo lang, ‘harvest” ang tunay na tawag sa kinikita ng negosyo sa malalim na pananaw ng mga Tsino.
Samantala, yellow ang kulay para sa prosperity dahil kulay yellow ang gold o ginto habang red ang para sa sigasig, sigla at magandang takbo ng negosyo at silver naman para sa makislap na kapalaran ng negosyo. Ito rin ay simbolo sa pag-akit sa mga suki dahil sa kakaibang kinang nito.
Gusto mo bang suwertehin lalo na sa pera? May negosyo ka ba, pero malayo sa Chinatown? Tara na! Pumunta na tayo sa Chinatown at manood ng dragon dance!




Comments