Welder dedbol sa kuryente
Pabs Hernandez III
Feb 5, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang welder ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Asin East, Malasiqui sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Anastacio Tamayo, Jr., residente ng Bgy. Lunec sa nasabing bayan.
Nabatid na habang nagwi-welding sa ginagawang farm si Tamayo ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Tamayo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments