Walang suplay ng kuryente at heater sa kulungan | KAANAK NG MGA BILANGGO, NAGPROTESTA
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga kaanak ng inmates sa Metropolitan Detention Center sa Brooklyn, New York.
Sinasabing kawalan ng suplay ng kuryente at heater nang nagsimula ang polar vortex ang dahilan para magprotesta ang mga ito.
Ayon sa kaanak ng mga bilanggo, isa umanong torture ang ginagawa sa mga nakakulong, gayundin ang ilang mambabatas na bumisita sa naturang lugar at tinawag pa itong bangungot.
Depensa ng Federal Bureau of Prisons, may nasirang poste sa lugar na nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa kulungan.





Comments