Tulak sugatan sa shootout
NEGROS ORIENTAL—Isang drug pusher ang sugatan nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Piapi, Dumaguete City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jemson Alaton, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation si Alaton, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad kaya napilitan ang pulisya na gumanti ng putok at tinamaan sa katawan ang suspek.
Agad dinala ng mga awtoridad si Alaton sa ospital na ngayon ay nasa malubha pang kalagayan.





Comments