top of page

Sakto ngayong Valentine‘s Day, mga beshy! MGA KAHULUGAN NG BULAKLAK, ALAMIN!

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 5, 2019
  • 2 min read

KAHIT mabilis malanta ang bulaklak, nakaugalian pa rin nating lahat na ibigay ito tuwing may okasyon tulad ng birthday, graduation, Mother’s Day, Araw ng mga Patay at ngayong Valentine’s Day, kaya naman para dehins na kayo mahirapan sa pagpili ng bulaklak na puwede ninyong ibigay sa mga mahal ninyo sa buhay, narito ang ilang bulaklak at ang kanilang mga kahulugan:

1. ORCHIDS. Ang orchids ay patok din tuwing Araw ng mga Puso dahil ito ay simbolo ng pag-ibig, ka­gandahan at karangyaan. Kaya kung bet ninyo itong ibigay sa mga mahal ninyo sa buhay, good choice, mga beshy!

2. TULIPS. Ang tulips ay tanda umano ng perpektong pag-ibig, kaya marami sa kababaihan ay ito ang trip na trip, pero alam naman nating walang perpekto sa mundo. Gayunman, ma­­ganda pa rin itong ibigay sa asawa o GF ninyo. Hi-hi-hi!

3. SUNFLOWER. Matatan­da­ang, nauso ang design na sun­flower sa mga damit kung saan halos lahat ng kabataan, eh, naka-sunflower na damit. Kaloka! Ha-ha-ha! Pero, sa totoo lang, maganda talaga ang sunflower dahil sa mala-gintong kulay nito, perfect for Valentine’s Day!

4. ROSES. May iba’t ibang kulay ang rosas, may asul, pula at pink, kaya for sure, hindi kayo mahihirapang pumili dahil marami kayong choices. Ang rosas ang pinakasikat na bulaklak sa lahat dahil kakaiba talaga ang ganda nito, gayundin ang petals at amoy nito.

5. EVERLASTING. Kung gusto ninyo nang pangmatagalang relasyon, eh, bakit hin­di kayo bumili ng everlasting? ‘Yun oh! For sure, kapag ito ang ibinigay ninyo sa taong maha­laga sa inyo, magiging totoo na ang salitang “forever”. Yiieee! Ngayong Valentine’s Day, iba pa rin ang simbolo ng mga bulaklak kung saan kahit fake, eh, nagkalat ito sa daan.

Kaya mga beshy, kayo na ang bahala kung anong klase ng bulaklak ang ibi­bigay ninyo, ha?

Love lots! Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page