Pusher tiklo sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Feb 5, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bayanihan, Gapan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Antonio de Vera, residente ng Bgy. Rizal, Makati City.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong sachets ng shabu at P500 markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si De Vera na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments