Pag-IBIG Fund, record-breaking ang mga accomplishment!
- Thea Janica Teh
- Feb 5, 2019
- 2 min read
HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nagsama-sama ang members, partners at iba pang stakeholders sa 2018 Chairman’s Report ng Pag-IBIG Fund na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Sa loob ng 38 taon, pinatunayan ng Pag-IBIG Fund ang paganda nang pagandang resulta ng pagtutulungan ng lahat na naging dahilan para maabot ang record breaking accomplishments. Sabi nga, pinakamagandang taon ng Pag-IBIG Fund noong 2017, pero mas lalo noong 2018.
Sa 14 milyong miyembro nito, hindi talaga maipagkakailang natatangi ang serbisyo ng Pag-IBIG Fund dahil buo ang tiwala ng mga miyembro nito na naibibigay ng ahensiyang ito ang kanilang pangangailangan hindi lang sa pinansiyal kundi pati na rin sa inaasam nilang tirahan.
Sa loob ng isang taon, ang nakolekta ng Pag-IBIG Fund mula sa kanilang mga miyembro ay Php 40.27 bilyon, mas mataas ng 11% noong 2017! Kabilang dito ang Php 4.47 bilyon mula sa Modified Pag-IBIG 2 Savings Program, isang special savings mechanism na ino-offer sa mga miyembro at retiree na naging miyembro rin. Ang programang ito ay tumaas ng halos 242% at umabot ng first time sa Php 4 bilyon!
Hindi lang ‘yan, na-break din nila ang record pagdating sa housing loan dahil umabot sa Php 75.31 bilyon ang takeout! Php 8.36 bilyon naman ang sa socialized housing at 21,389 miyembro ang nakinabang dito. Pagdating sa cash loans, umabot sa Php49.23 bilyon worth of short term loans ang naibahagi ng Pag-IBIG Fund sa halos 2,428,918 members. Pinatunayan ng Pag-IBIG Fund ang pag-maintain ng kanilang performing loans na may ratio na 90.26% o 9 sa 10 housing borrowers.
Sisiguraduhin ng Pag-IBIG Fund na mas marami pang miyembro ang mabibigyan ng opportunity na makuha ang kanilang pinapangarap na bahay at makatutulong-pinansiyal kasama ang Pag-IBIG Fund.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments