top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kuha sa thanksgiving ng MMFF movie ni Vice, Marian… VIDEO NG HOLDING HANDS NINA LOISA AT DINGDONG,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2019
  • 1 min read

NAKAKATAWA ang nai-post na video ni Loisa Andalio kung saan napa-tweet ang young actress ng: “PINAKA NAKAKAHIYANG MOMENT KO NA NANGYARI SAKIN, GUSTO KO MAGTAGO!”

Sa naturang video kasi, kitang-kita ang mala­king blooper na ginawa ni Loisa na kuha sa thanksgiving party ng MMFF 2018 movie na Fantastica.

Habang nagsasalita si Vice Ganda at nakatayo silang mga co-stars nito sa Fantastica sa likod ng gay comedian, kinuha ni Loisa ang kamay ni Dingdong Dantes na katabi niya at hinolding hands ito.

Akala ni Loisa, kamay ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte na nasa likod niya ang ka-holding hands niya. Nagkagulatan sila ni Dingdong dahil kamay nito ang hinawakan niya at kasunod nu’n ang tawanan na lang ng iba pang cast ng movie kasama na si Richard Gutierrez.

Well, ‘di naman siguro iba-bash ng mga fans ni Marian Rivera si Loisa dahil aksidente lang na­man ang nangyari at hindi niya intensiyong hawa­kan ang ka­may ni Dingdong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page