KORONADAL, 4 GOLD SA ARCHERY, ARNIS SA DAVAO AT TACURONG
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 2 min read

KUMINANG agad ang City of Koronadal at South Cotabato matapos masikwat ang unang apat na ginto sa magkakahiwalay na events sa archery.
Sina Justin Matthew Basadre at Romee Jonathan Rioja ng City of Koronadal ang nanaig sa Bowman Boys event at Yeoman Boys event sa unang araw ng 2019 Batang Pinoy Mindanao Leg na ginaganap sa Tagum City Sports Complex.Sina Rhynjyll Yvis Endaya at Grace Signacion ng South Cotabato naman ang nagreyna sa Bowman Girls at Yeoman Girls event. Inirehistro ni Basadre ang 624 puntos upang pagharian ang bowman boys, kasunod ang pambato ng South Cotabato na si Loreno Quin Myer na may 614 sa ikalawang puwesto at nasa ikatlong puwesto si Mark Jubert Angelo Lapiad ng South Cotabato pa rin sa 611 na iskor.
“Iniaalay ko po ito para kay mama, kasi siya ang may gusto na sumali ako sa archery,” sabi ng Grade 2 sa Suralla Elementary School na si Signacion patungkol sa kanyang ina na si Chuchi at kasama nito sa ginaganap na torneo na ama na si Joel. Nagwagi lamang si Signacion ng tanso noong 2018 qualifying sa Ozamis at pilak sa Baguio Finals.
“I feel so good po,” sabi ng first honor na si Basadre. “I started four years old in archery. I was impressed when I saw it on things they do, how they pull the arrow. My father is a coach, Florentiino Jun Basadre, I always come with him, I want to be a Olympic gold medalist or a lawyer someday,” sabi ni Basadre. Sa iba pang laro, iniuwi nina Aethan Razy Fujita ng Davao City at Maria Veronica Ilagan ng City of Tacurong ang dalawang gintong medalyang nakataya sa pambansang laro na arnis.
Ipinamalas ng 10-anyos na si Fujita ang magandang porma para sa iskor na 9.50 puntos sa cadet boys non-traditional individual single weapon para maiuwi ang una nitong gintong medalya sa arnis. Itinala naman ni Ilagan ang kabuuang 9.60 score para magwagi sa cadet girls traditional individual single weapon at iuwi ang una nitong ginto. Samantala, nais itulak ng Davao government ang pagtatatag ng Department of Sports. Napapanahon na anila na ang sports ay maging parte na ng gobyerno.
Ilang mambabatas na ang nagtangka at maraming beses na rin nagpasa ng isang batas para tuluyang makapagbuo ng Department of Sports subalit tanging hanggang sa unang hakbang lamang na pagpapasa nakakaabot. Dahil kapag walang libreng gym sa school ang mga bata, naglalaro sila sa lupa, naglalaro ng basketball sa putikan at pati sa volleyball na hindi kaaya-aya sa kalusugan ng mga bata. Kung maituturo ng maayos ang sports sa atleta dapat sa pamamagitan ng Department of Sports. (ATD/MC)





Comments