Kaya todo-dasal… IGAN, IBINULGAR NA MARAMING DEATH THREATS MULA SA MGA PULITIKO
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 1 min read

HINDI madali para kay Arnold “Igan” Clavio ang pagiging radio announcer-news anchor. Nakakatanggap siya madalas ng death threat, lalo na ‘yung nasasagasaan ng blind item niya sa programang Dobol A sa Dobol B nila ni Ali Sotto.
Karamihan sa mga nagbabanta kay Igan ay mga pulitiko na bumibida sa kanyang mga blind items.
Pero sanay na si Arnold sa mga natatanggap niyang death threats. Dasal na lang ang ipinantatapat niya rito.
Grabe ang energy ni Arnold na mula umaga hanggang gabi ay may hawak na show sa GMA — ang Unang Hirit at Saksi. Meron pa siyang Alisto at Tonight with Arnold Clavio.
Mabuti na lang at may Brainew PS, ang food supplement na malaking tulong sa kanyang kalusugan.





Comments