top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

KARERANG PINOY: ANG REVIVAL NG TRACK CYCLING

MC/R.Nillama
Feb 5, 2019
1 min read

MULING idaraos ang isang cycling event na tina­guriang Karerang Pinoy “The Revival of Track Cy­cling” sa Pebrero 17-24 ha­bang ang huling yugto ay sa Marso 3, 2019 na gaga­napin sa Cavite State Uni­versity (CAVSU) Track Oval, In­dang, Cavite na sinupor­tahan ni CAVSU President Dr. Hernando Robles.

Ayon kay dating Secre­tary General ng Philippine Cycling Armando Bautista sa tulong ng ABJR Events and Talent Management Ser­vices, ang nagdaang tat­long dekada ng track cy­cling ay nakatulong sa mga kaba­taang magkaroon ng scho­lar­ship sa iba’t ibang uniber­sidad tulad nina Atty. Cor­nelio Padilla, Olympian ng FEU, Ben Evangelista, Olym­pian ng UE, sa FEATI na sina Maximo Junta, Jr., Ro­berto Querimit - Asian Games medalist, Carlos Ani­tino-Asian Games me­dalist, sa ADAMSON na si Rodrigo Arzadon - Asian Games Medalist, PUP - Ro­lan Ocampo Scholar at TUP scholar na si Arcenio Tado, maging ang 7-time Track Oval King na si Ma­nolito Moring, at marami pang iba.

“Sa panahon ngayon, marami ang nahihilig sa mountain biking at road ra­cing pero tuluyang nakalili­mutan ang track cycling event kung saan mayroong siyam na medalyang pinag­lalabanan sa International competition tulad ng Asian Games, SEAgames and Olympics ngunit wala nang nagaganap na kompetisyon dito sa Pilipinas, kaya’t nais naming maibalik ang nawa­lang kinang ng Philippine Track Cycling, kaya sa mga nais na lumahok sa event ay mag-email lang sa abevent­sand talents@gmail.com,” ayon kay Bautista. “Nakita ko rin na dapat mabigyan ng proteksiyon sa daan ang mga siklista sa pamama­gi­tan ng pagbibigay ng insu­rance, together let us make his­tory,” dagdag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page