top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ISASABAK SA IBAYONG DAGAT, MGA CHAMP SA 7-11 MARATHON

A.Servinio
Feb 5, 2019
1 min read

Photo : Takbo Kabitenyo

NAGPAKITA ng bilis at lakas ng mga kasapi ng Team Soleus sa matagum­pay na pagtatapos ng Run 7-Eleven 2019 Manila Leg Linggo ng umaga sa Filinvest-Alabang. Nakamit ni Anthony Nerza ang 42.195 km Marathon ang kampeonato habang napunta kay Rafael Poliquit ang bagong tatag na 32-km karera.Iniwan ng tubong-Davao na si Nerza ang mga katunggali sa loob ng apat na ikot sa loob ng Filinvest City na nagsimula ng 11:00 p.m. noong Saba­do. Pumangalawa si Albert Omboga ng Kenya at ikatlo si Eugine Postrado. Tinapos ni Poliquit ang tatlong ikot sa 1:57:56. Iniwan niya sina Jujet de Asis at Eric Panique.

Sa panig ng kababaihan, kampeon si Maricar Repuyan sa Marathon 3:20:05. Pumangalawa ang isa pang pam­bato ng Team Soleus na si Cinde­rella Lorenzo (3:41:08) habang pangat­lo si Melanie Malihan. Ang beteranang si Luisa Raterta ang reyna ng 32-km sa 2:24:21, sinundan nina Jocelyn Elijiran at Silamie Apolistar.

Samantala, panalo si David Kip­sang (1:09:33) ng Kenya sa 21-km kontra kay Richard Salano (1:13:11) at Gilbert Laido (1:16:59). Si Christabel Martes (1:28:49) ang kampeon sa kababaihan laban kay Nhea Ann Barcena (1:31:52) at Elaine Qui­s­mundo (1:37:39).

Lahat ng mga nagkampeong Pinoy ay ipadadala ng 7-Eleven sa isang karera sa ibayong dagat tulad noong isang taon kung saan inangat nila ang bandila ng Pilipinas sa Jeju Marathon sa Timog Korea. Ang karera sa Filin­vest ay sinabayan ng parehong pa­takbo sa mga lungsod ng Cebu at Davao na may pinagsamang mahigit 39,000 ma­­na­nakbo na nagpalista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page