Anak ni Kris, pinagkaguluhan, pero… BIMBY, IMBIYERNA NA 'DI NAKITA NG IDOL SA BLACKPINK
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NANOOD ng concert ng BlackPink sa MOA sina Joshua at Bimby at pati ang bunso ni Kris Aquino, pinagkaguluhan. Nasa VIP center standing area sina Bimb at Joshua at sa nakita naming photos, pinagkaguluhan si Bimby ng mga fans ng BlackPink.
Habang hindi pa nagsisimula ang concert, panay ang pa-picture ng mga fans kay Bimby na lahat naman ay ine-entertain nito. Nakangiti si Bimby kahit marami ang lumapit para magpa-picture.
Disappointed lang si Bimby dahil hindi raw siya nakita ng crush niyang BlackPink member na si Rose at si Rose ang rason kung bakit kinulit ni Bimby si Kris na hanapan siya ng ticket.
Masaya si Kris na happy ang mga anak, lalo na si Bimby na nagaya sa kanya na kinain na ng sistema ng K-Pop. Pero si Kris, BTS ang favorite.
Nai-post pala ni Kris na nag-a-adjust siya sa new thyroid medicine niya at nagre-relax in between her decluttering project. Ang payo nito sa mga followers sa socmed, panatilihing malinis ang bahay, ang workspace, clothes and beddings para malayo sa sakit at higit sa lahat, ‘wag magpa-stress.





Comments