UST, naiuwi ang korona ng Ms. U-Belt 2019!

HELLO, Bulgarians! Umabot sa Quiapo ang sigawan ng mga supporter ng pambato ng iba’t ibang school sa katatapos lamang na Ms. U-Belt 2019 na ginanap sa Isetann Recto, kamakailan.
Kani-kanyang projection at rampa ang 12 kandidata, pero isa lang ang mag-uuwi ng korona! Itinanghal na Ms. U-Belt 2019 ang pambato ng University of Sto. Tomas na si Azusa Claire Ann Masu, sinundan ito ng University of the Philippines Manila na si Jazryl Gayeta (1st runner-up) at Polytechnic University of the Philippines na si Kaye Charlotte Polvorosa (2nd runner-up). Hindi lang ‘yan, sinalubong din ng sigawan at palakpakan si Pilipinas-Globe 2018 Ms. Michele Gumabao na isa sa mga judge. Congratulations!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments