top of page

Sa mga mahilig mag-midnight snack diyan, read n‘yo ‘to! MGA PAGKAING DAPAT IWASAN PARA HINDI BANGUNG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2019
  • 2 min read

HINDI natin maita­tangging masarap kumain kahit anong oras lalo na kung gutom tayo o naka­ra­ramdam ng craving. Pero, mga bro at sis, alam ba ninyo na mayroong mga pagkain na hindi natin puwedeng kainin sa gabi? Hmmm… kung wala kayong ideya kung anu-ano ang mga ito, narito at alamin natin:

1. STARCHY FOOD. Ang patatas, pasta at rice ay ilan sa mga starchy food na madalas nating kainin tu­wing hapunan. Ayon sa mga eksperto, ang mga pagkaing nabanggit ay nagiging su­gar kapag natunaw at nagiging sanhi ng mataas na blood sugar at insulin. Gayunman, hindi ito ipinapayong kainin sa gabi dahil ito ay nagiging ‘stored fat’. Inire­rekomenda ng mga eksperto na protein at mga gulay na lamang ang kainin sa gabi.

2. SPICY FOOD. Para sa mga mahihilig kumain ng maaanghang d’yan, hu-hu-hu! Sad to say, pero isa rin ito sa mga hindi puwedeng kainin sa gabi dahil posible umano itong maging sanhi ng heartburn, partikular sa mga humihiga kaagad pag­kalipas ng ilang minuto pag­katapos maghapunan.

3. CARBOHY­D­RATES. Bagama’t, mabuti ito sa ating katawan, kabilang din ito sa mga bawal. Ayon sa mga eks­perto, ang mga pagkain na mataas ang glycemic index content ay mabilis na naa-absorb ng dugo. Gayun­man, nagiging stored fat umano ito kung hindi regu­lar na nag-eehersisyo ang indibidwal.

4. GREASY & FAT­TY FOOD. Pizza, fries at burger — kung minsan, ito ang kinakain natin sa ha­punan lalo na kapag ina­bu­tan tayo ng oras ng pagkain sa mall, pero, mga beshy, ayon sa mga eksperto, gaano man ito nakatutuksong ka­inin, dapat natin itong iwa­san dahil ito ang mga pag­kaing hindi mabilis matu­naw at maaaring ang GI o gastrointestinal tract natin ang magdusa. Hala!

5. ALCOHOL. Ma­rami sa atin ang umi­inom ng alak sa gabi, parti­kular na ang mga taong stressed sa trabaho. Totoo ba? Ha-ha-ha! Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng alak sa gabi ay sanhi ng pag­kagu­tom at pagke-crave ng mga pagkaing may car­bo­hyd­rates kung saan po­sible itong magresulta sa over-eating.

6. CHOCOLATES. Kahit hindi natin maiwasan ang paghahanap ng dessert o matatamis na pagkain pag­katapos ng hapunan, hindi ini­re­rekomenda ng mga eks­perto ang pagkain ng tsoko­late bilang dessert sa gabi dahil sa caffeine na mayroon ito.

Ang caffeine na taglay ng tsokolate ay hindi maka­tutulong upang magkaroon tayo ng mahimbing na tulog.

Oh, ayan mga tropa, ngayong alam na natin ang mga bawal kainin sa gabi, stop na, ha? ‘Ika nga nila, pre­vention is better than cure, kaya go lang tayo sa mga rekomendasyon ng mga eksperto.

For sure, ma­raming al­ternatibong pag­kain ang puwede nating ipa­lit sa mga nakasanayan natin.

Stay healthy! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page