Oarfish, ‘di konektado sa kalamidad
NILINAW ng mga eksperto sa Japan ang pangamba ng mga residente sa posibleng pagtama ng tsunami.
Nagsimulang mangamba ang mga mamamayan nang sunud-sunod na nakahuli ang mga mangingisda ng oarfish o kung tawagin sa Japan ay “messenger from the Sea God’s Palace”. Ito ay dahil sa paniniwala ng nakatatanda na nakatira ang mga oarfish sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan at nabubulabog umano kung may paparating na lindol.
Matatandaang, 2011 nang halos isang dosenang oarfish ang napadpad sa dalampasigan ng Japan bago tumama ang tsunami na ikinasawi ng libu-libo katao.
Ayon sa mga eksperto, wala umanong scientific evidence na ang naturang isda ay may kaugnayan sa tsunami at iba pang uri ng kalamidad.





Comments