LAST 2 ROUNDS SA 37 GRAND FINALISTS
- BULGAR

- Feb 4, 2019
- 1 min read

DALAWA pang final rounds ng 2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby ang ilalarga ngayong Lunes, Peb. 4 at sa Miyerkules, Peb. 6 sa iconic Smart Araneta Coliseum.
Kasali sa 4-cock finals ngayon ang mga kalahok na may 2, 2.5, 3 at 3.5 points.
Sa Miyerkules, Peb. 6 (grand finals) ang laban ng may 4, 4.5 at 5 points at dito malalaman ang kampeon.
May 37 grand finalists ang sasagupa sa Miyerkules sa pangunguna nina Elmer Stokwa ng Guam, Jomel Gatlabayan at RGBA Friends, Team Alcala, A. Bernos ng Abra at CPB at Cris entry.
Inaasahang maghaharap ang mga lahok na Bulldog Feb. 8 Pasay, EVGF Oliver, Utol C3, Winstar, Florenda 4-Cock Mar. 7, Triple J Farm, Gas Farm Cabanatuan, Oliver Dhee 2, Viva Kapata Double A BMY, Arayat, SMC Circuit 2019, Hustler, Baruko, M3 A6NB, Ripper 59 Sinag, Little Prince Risk Taker, Roan Blades of Glory, T1, Yellow Rose at Macking Rolly.
Umiskor ng 4.5 puntos sina Belle Almojera ng Florida, USA at Santi Sierra ng Cebu habang 30 ang may 4 wins gaya nina dating WSC champions Nene Araneta at Biboy Enriquez.
Muling susuporta si Pitgames media CEO Manny Berbano sa host, ang Pintakasi of Champions na itinaguyod ng Thunderbird, Pitgames Media Inc. at Sabong Pilipinas kung saan may 32" LED TV mula sa Powertrac ang ipapa-raffle. (MC)





Comments