Kaya dehins ka dapat malungkot dahil lumilipas din ‘yan, lodi! Mga paraan para ma-survive ang valent
- BULGAR

- Feb 4, 2019
- 2 min read

ITAAS ang kamay ng mga beshy nating single r’yan na feeling worried dahil wala pa silang ka-date sa paparating na Valentine’s Day. Hu-hu-hu! No need to worry dahil we got you, beshy! Narito ang ilang tips para sa mga tropa nating single nang sa gayun ay dehins kayo maging malungkot sa Araw ng mga Puso:
1. BE ALL ABOUT THAT SELF-CARE. Sa paparating na Valentine’s Day, lodi, huwag mo nang problemahin ang paghahanap ng ka-date dahil puwedeng-puwede mong i-celebrate ito nang mag-isa sa pamamagitan ng pag-aalaga sa iyong sarili. Kung mayroon silang ‘romantic date night’, why not subukan mo ang ‘skin care and reading night’? Sa ganitong paraan, hindi lang skin mo ang maggo-glow kundi ang isipan mo rin. Naks!
2. FOCUS ON ALL TYPES OF LOVE. Ang Araw ng mga Puso ay hindi lamang para sa mga mayroong romantic relationship, bagkus, ito ay para sa lahat ng uri ng pagmamahal at relasyon. Kung single ka, puwede mong i-date ang iyong mga magulang, bigyan ng greeting cards ang iyong mga kaibigan o ilibre ang iyong nakababatang kapatid. Kahit single ka, gagastos ka rin pala. ‘Yun lang!
3. MAKE OTHER PLANS. Huwag natin hahayaang lumipas ang Valentine’s Day nang wala tayong kakaibang nagawa. Kung mahilig kang sumubok ng mga adventure, tiyak na magugustuhan mo ito! Puwede mong subukang mag-hiking upang pansamantala kang makalayo sa siyudad nang sa gayun ay makalanghap ka ng sariwa at malamig na hangin. Don’t forget na puwede mo ring isama ang BFF mong single rin.
4. GET OUT & VOLUNTEER. ‘Ika nga, ang Valentine’s Day ay para sa iba’t ibang uri ng pagmamahal, kaya bakit hindi mo gamitin ang panahong ito para mag-volunteer? Perfect timing ito para iparamdam ang iyong pagmamahal sa mga hayop, bata at nakatatanda. Sobrang easy lang nitong gawin dahil maraming shelter at orphanage ang bukas para sa mga volunteer. Give love on Valentine’s Day by doing volunteer works. Ganern!
5. TREAT YOURSELF. Huwag ka nang umasang may magbibigay sa’yo ng rosas at tsokolate. Hindi naman sa nire-realtalk ka namin, pero parang ganu’n na nga. Charot! Puwede mong bilhan ang iyong sarili ng paborito mong bulaklak at i-display mo ito sa iyong kuwarto o sala. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito upang gumanda ang mood mo sa buong araw.
6. GET BUSY. Yup, beshy! Pero, hindi ang pagiging busy sa trabaho o gawaing-bahay, ha? Ang tinutukoy natin, eh, ang pagiging busy sa mga bagay na makatutulong upang mapabuti ka bilang indibidwal. Tulad ng pagsusulat ng mga bagay na gusto mong magawa, pagbabasa ng paborito mong libro o regular na pagpunta sa gym para mag-ehersisyo.
7. PRACTICE GRATITUDE. Ang pagiging exposed sa mga taong nakaa-appreciate ng mga bagay ay nakatutulong upang ma-adapt ito ng indibidwal. Kaya mga lodi, huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa at kunin mo na ang iyong journal. Ilista mo rito ang mga bagay na nakapagpapasaya sa’yo, maliit man ito o malaki. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang pagpopokus sa mga bagay na wala ka. Okie?
Ngayong Araw ng mga Puso, why not na mag-focus tayo sa mga bagay na magpapabuti sa ating sarili? Malay natin, makatulong ito para magkaroon tayo ng ka-date sa mga susunod pang taon. ‘Yun oh! Pero tandaan, ang pagiging mabuting indibidwal ay ginagawa natin para sa ating sarili at hindi para magustuhan tayo ng ibang tao.
Gets mo?




Comments