Driver timbog sa boga
- Pabs Hernandez III
- Feb 4, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang driver ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. San Pascual, Talavera sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Samiel Cuaresma, nakatira sa Bgy. Cawayan-Bugtong, Guimba sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, isang kalibre .38 revolver at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Cuaresma na nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments