top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dahil sa papalapit na halalan, patayan sa politika lumala

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2019
1 min read

DOBLE ang bilang ng mga patayan na may kaugnayan sa politika noong 2018 kumpara noong 2017.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mula sa 19 kaso na naitala noong 2017, umakyat sa 38 ang political killings noong 2018.

Maaaring dahil umano sa nalalapit na May 2019 Midterm Elections.

Nagkakaroon na rin umano ng pattern na karaniwang tumataas ang kaso ng patayan, lalo na ang high profile cases tuwing papalapit ang panahon ng halalan.

Matatandaang, halos sunud-sunod ang insidente ng pagpatay mula sa mga nasa puwesto hanggang sa mga kandidato.

Patunay na sadyang madugo ang politika, kaya ‘yung iba, hindi lang bulsa ang inihahanda kundi maging ang mismong buhay.

Hindi masabi kung sino ang kaaway at kung kailan aatake.

Kaya ‘yung iba, bagama’t, gustong kumandidato, sa takot na mapatay, umaatras na lang.

Gayunman, ang pagbibigay-serbisyo sa taumbayan ay hindi lang naman magagawa sa pamamagitan ng balota.

Maaari pa ring maglingkod sa ibang paraan at maraming paraan.

Simulan sa ating sarili, maging disiplinadong mamamayan.

Sunod ay sa bahay at sa barangay, tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan dahil ang maliliit na komunidad ang bubuo sa mapayapa at maunlad na bansa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page