top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

8 yrs. nang mag-BF, 'di pa rin niyayaya… MEGAN, ATAT NANG PAKASALAN NI MIKAEL, NANG-AGAW NA NG B

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2019
  • 1 min read

EIGHT years nang magkarelasyon ang Miss World na si Megan Young at ang model-actor na si Mikael Daez. Malalim na ang kanilang pinagsamahan at naiinip na ang kanilang mga kaibigan na naghihintay sa kanilang pagpapakasal.

Pareho nang nasa marrying age sina Megan at Mikael. Nabigyan na rin nila ng panahon ang kani-kanilang career. Pa­nahon na upang sila ay mag-settle down at bumuo na ng sariling pamilya.

At hindi man aminin ni Megan, bilang babae ay nag-i-expect din siya na mag-propose na ng kasal sa kanya ang BF niya.

Sa isang kasalan nga na dinaluhan, hindi na raw nahintay pa ni Megan na ihagis ng bride ang kanyang wedding bouquet, inagaw na ito agad at kinuha ng aktres. Meaning, gustung-gusto na ni Miss World 2015 na magpakasal!

Natuwa at na-amazed naman si Mikael sa ginawa ng kanyang GF.

So, may kasalang Megan-Mikael na kayang magaganap ngayong 2019? Pero, committed sila sa isang seryeng gagawin sa GMA-7, paano kaya ‘yun?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page