2 bigtime tulak tiklo
Pabs Hernandez III
Feb 4, 2019
1 min read
CEBU CITY—Dalawang bigtime na drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Duljo Fatima sa lungsod na ito.
Ang mga suspek ay kinilalang sina John de Leon at Alvino Bicada, kapwa nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 sachets ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina De Leon at Bicada na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments