Sey n'yo, Luis at Jessy? SIGAW NI NEIL: KASAL NAMIN NI ANGEL, 'DI NAMIN ITATAGO SA MADLANG P

Nitz Miralles / BIDA

NAKITA namin si Neil Arce at si Director Irene Villamor sa special screening ng Kuya Wes sa UP Film Center Cine Adarna. Bida sa nasabing pelikula na kick-off ng Spring Films sa 10th anniversary nila si Ogie Alcasid.
Sa nasabing special screening, ipinalabas ang very short teaser ng upcoming films ng Spring Films na pagmamay-ari nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Director Joyce Bernal.
Isa sa 13 films ng film company ang I’m Ellenya L. na tampok ang tambalan nina Iñigo Pascual at Maris Racal. Si Boy 2 Quizon ang director ng movie na co-produced ng Spring Films at N2 Productions ni Neil.
Maganda ang teaser ng I’m Ellenya L. at sinabi namin ‘yun kay Neil na nagpasalamat on behalf of Boy 2.
Hindi pa alam kung kailan ang playdate ng I’m Ellenya L. na tiyak, makaka-relate ang mga millennial dahil sa title pa lang, para na sa kanila ang pelikula.
Samantala, tinanong ni Manay Ethel Ramos si Neil kung may balak na silang pakasal ni Angel Locsin. Ang narinig naming sagot nito, ipaaalam nila ni Angel sa lahat at sa ibang press people ‘pag dumating ang araw na magpapakasal na sila.





Comments