Salvage victim natagpuan
Pabs Hernandez III
Feb 3, 2019
1 min read
ISABELA—Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Ragan Almasen, Delfin Albano sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Dionisio Rempillo, nakatira sa Bgy. Andarayan sa nasabing bayan.
Nabatid na ilang mangingisda ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na may nakagapos na packaging tape ang bibig at tinalian ng malaking tipak ng bato.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.





Comments