'Di feel ang role na adik… MOVIE NA INAYAWAN NINA NORA AT LORNA, SINALO NI SYLVIA
- BULGAR

- Feb 3, 2019
- 1 min read

HEARD na hindi lang pala si Superstar Nora Aunor ang inoperan para gawin ang pelikulang Jesusa na ang tema ng istorya ay may kinalaman sa drogra.
Napag-alaman namin sa isang reliable source na after Nora Aunor ay sumunod na kinonsidera at kinausap si Lorna Tolentino. Pero hindi raw pumayag si L.T. ‘coz ayaw daw nitong gumawa ng pelikulang may kinalaman sa pagiging adik sa droga.
So, ang ending, ang role na Jesusa ay napunta kay Sylvia Sanchez, na sa true lang, sa nakita naming teaser at trailer ng nasabing pelikula ay mahusay naman ang acting na ipinakita rito ni Ibyang at puwedeng-puwede siyang magka-award as Best Actress maski na ilaban pa ang Jesusa sa Oscar Awards, yesss, wa’ kiyems! Wanna bet, ha, Log?
‘Yun lang and tenk you.





Comments