DE OCAMPO AT PATTS, ENTRA NA SA NCRAA Q’FINALS
- A.Servinio
- Feb 3, 2019
- 1 min read

PORMAL na nakapasok sa quarterfinals ng 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) ang De Ocampo Memorial College at PATTS College of Aeronautics matapos nilang magwagi sa hiwalay na laro noong Biyernes ng hapon sa Saint Joseph Gymnasium ng Pasig Catholic College. Maghihintay nalang ang dalawang paaralan kung sino ang kanilang haharapin pagkatapos ng huling araw ng elimination round sa Dagupan City sa Peb. 6.
Kahit ipinalabas sa laro ang coach at limang kakampi dahil sa limang foul, nagawa pang bumangon ang DOMC at biguin ang Pasig Catholic, 89-87. Sabay nagreklamo sa mga tawag ang buong koponan ng DOMC sa simula ng huling quarter kaya na-out si Coach Ronnie Dojillo sa bisa ng dalawang indirect technical foul at lugmok ng 15 ang Cobra, 58-73.
Kabaligtaran ang nangyari at ito ay nagsilbing mitsa para unti-unting lumapit ang DOMC sa likod nina Harold Lescano, Reynold Artesano at Tyrone de la Cruz at agawin ang kalamangan na may 2:40 nalalabi at hindi na nila ito binitiwan, 85-81.





Comments