‘Di na uso flowers at chocolate, mga kuys! IBA’T IBANG REGALO NA MAS MAGANDANG IBIGAY NGAYONG VALENT
- Donna Thea Topacio
- Feb 3, 2019
- 2 min read

SA totoo lang, sa panahon ngayon, eh, napakarami ng nauusong gimik para ipagdiwang ang Valentine’s Day. ‘Yung iba nilalagyan ng pera o make-up ‘yung bouquet, mayroon ding gumagawa ng mga love letter na nasa box pa. Basta usapang pag-ibig talaga, lahat gagawin mo para lang mapasaya ‘yung taong gusto mo, pero alam n’yo, mga beshy, mas magiging masaya ang mga dyowa, asawa o crush ninyo kung ganito ang mga regalo na ibibigay ninyo sa kanila:
1. USEFUL. Ito ‘yung mga regalo na mapakikinabangan talaga tulad ng sapatos, gamit sa bahay at eskuwela, bag, relos, cellphone, WiFi modem at marami pang iba. Kung medyo may kaya ka naman sa buhay, puwede ring bahay at lupa at kotse, oh ‘di ba, bongga?
2. WANTS. Ito ‘yung mga bagay na matagal ng gusto ng taong pagbibigyan ninyo, maaaring make-up, sapatos, damit, concert ticket, kuwintas, hikaw, camera at laptop. Kapag ito ang ibinigay ninyo sa kanila, tiyak na abot-tainga ang mga ngiti nila. Yehey!
3. PRACTICAL. Para sa mga hubby diyan na medyo nagtitipid, bakit hindi na lang kayo bumili ng diaper ni baby, bigas, grocery at mga gamit sa bahay? Tiyak na matutuwa si misis niyan! Para naman sa mga mag-BF/GF o nanliligaw pa lang, oks lang din kung magbibigay kayo ng bigas, para matuwa sa inyo ang mga magulang ng nililigawan ninyo.
4. HOBBIES. Kung ano ang hilig gawin ng gusto ninyo, eh, magandang regalo na ang payagan sila kung ano ang gustong nilang gawin. Kaya sa mga GF diyan na ayaw payagan si boyfie na mag-basketball o mag-computer, alam n’yo na, ha?
5. PASSIONATE. Kung saan passionate ang mga mahal ninyo sa buhay, ‘yun ang iregalo ninyo sa kanila tulad ng instrumento, damit pang-gym, pansayaw at iba pa.
Oh, ayan, may panahon pa kayo para makapag-ipon, kung trip ninyong sundin ang mga tip na ito, go lang!
Okie?
Comments