top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PULSE MASTER, ‘DI MATIBAG SA TOP SPOT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2019
  • 1 min read

TUMIBAY ang kapit ng Phoenix Fuel­Masters sa top spot ng team standings ma­tapos nilang tambakan ang Blackwater Elite, 114-95 sa 2019 PBA Philippine Basketball Association, (PBA) kagabi sa Ynares Center, Antipolo.

Nangalabaw si Calvin Abueva ng 22 points at 14 rebounds para ilista ang four-game winning streak ng FuelMasters at manatili sa tuktok ng team standings. Maagang uminit ang opensa ng FuelMasters, hinawakan nila ang 24-point lead, 66-42 sa halftime.Lalong binaon ng Phoenix ang Elite sa third quarter, umalagwa ang kanilang lamang, 90-62 papasok ng 4th canto.

Dahil sa laki ng lamang, halos mag-jogging na lang sa payoff period ang FuelMas­ters at pormal na sinilo ang malinis na apat na panalo. Bumira si Abu Tratter ng career-high 24 puntos at walong rebounds para sa Blackwater na nalasap ang pangatlong talo sa apat na laro.

Samantala, determinado ang Barangay Ginebra Gin Kings na kalsuhan ang two-game skid pagharap nila sa makukulit na Columbian Dyip ngayong ala-6:45 ng gabi sa parehong lugar.

Maganda ang simula ng laro ng Gin Kings ngayong conference, kinalos nila ang TNT KaTro­pa, 90-79 sa opener pero lupaypay sila sa sumunod na dalawang laro kontra San Miguel Beer (91-99) at Rain or Shine (80-83).Dismayado ang koponan sa kanilang mga talo, halos 100% ang kanilang lakas dahil nakapaglaro na ang ibang nagpagaling ng injury.

Kaya walang ibang nasa kukote ng Ginebra kundi talunin ang Dyip mama­yang gabi. Pero inaasahang hindi magiging madali para sa crowd favorite na maku­ha ang panalo, sapagkat impre­sibo ang unang apat na laro ng Dyip. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page