PANGARAP MO BANG SUMIKAT NA CAGER? SASAGUTIN NA IYAN NG CBA LEAGUE


BABALIKATIN na ng Community Basketball Association (CBA) ang pangarap ng mga basketball players na sumikat sa napiling larangan sa pormal na pagsisimula ng liga noong Enero 27.
“This is what the CBA is really all about. Bringing basketball closer to the people in the community and helping them realize their dreams of becoming better players,”Ayon kay CBA founding president Carlo Maceda, inaasahan niya na didiskubre ang CBA ng marami pang mahuhusay na players mula sa mga barangay na makapagpapakita ng angking talento at maikatawan ang bansa sa mga international competitions. ani Maceda sa 8th TOPS “ Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros noong Huwebes.
Nagkaroon ng interes si Maceda, dating actor-director sa basketball at aniya ang CBA tulad ng iba pang liga ay magiging tuntungan ng mga aspiring players upang mahasa ang husay sa basketball hanggang sa kolehiyo at sa pag-akyat sa professional leagues.
“We are a basketball country maraming magagaling na players sa ating mga komunidad. Sa bawat barangay na may basketball court. Thru the CBA, we are giving them now the big break they need to make it,” paliwanag ni Maceda, na bumisita sa weekly sports forum kasama si Malabon team owner Rinbert Galarde.
Idinagdag niya na ang 4-buwan na liga ay may kakaibang qualifying tournaments sa Luzon, Visayas at Mindanao kung saan ang top 2 teams ay aabanse sa grand finals.
Ang kampeon ay mag-uuwi ng top-prize na P1-M gayundin ang mga napiling barangay. Consultant ng liga si PBA legend Pido Jarencio habang si veteran coach Beaujing Acot ang operations head. (MC)





Comments