Oks lang kung dehins sa Singapore ang destinasyon mo, besh! BABAENG SA SANDALING MAKAPANGIBANG-BANSA
- BULGAR

- Feb 2, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapagsi-Singapore kaya ulit ako? Dalawang beses na akong nakapag-Singapore kaya lang, matagal akong hindi nakabalik, kaya medyo kinakabahan ako ngayon.
Bukod sa pagta-travel, gusto ko ring malaman kung ang kasalukuyan ko nang boyfriend ang makatutuluyan ko? Mabait siya at very supportive sa akin lalo na sa pangarap ko na muling makapag-abroad.
KASAGUTAN
May namataang dalawang malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na dalawang beses kang makapag-a-abraod. Kaya mawawaring hindi ang nakaraan mong dalawang pagsi-Singapore ang tinutukoy ng nasabing Travel Line (t-t arrow a. at b.) kundi tulad ng nasabi na, maliwanag ang ipinahihiwatig, maaaring hindi ka makabalik sa Singapore, pero muli kang makapag-a-abroad.
At kahit hindi na sa Singapore ang susunod mong destinasyon, siguradong magiging positibo pa rin ang resulta kung saan sa nasabing ikalawang pangingibang-bansa, tiyak na ang magaganap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, makalilipad ka at ang pag-a-abroad na ito ay sadya ngang magiging masagana at mabunga.
Samantala, hinggil sa love life mo, kapansin-pansing may kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na isang beses ka lang magkakaroon ng seryoso at pangmatagalang relasyon, kaya kung nagkaroon na kayo ng meaningful at quality relationship ng boyfriend mo sa kasalukuyan, tiyak ang magaganap, siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
DAPAT GAWIN Veronica, ayon sa iyong mga datos, made-deny ka lang sa muli mong pagtatangka na makapunta sa Singapore, pero maaari kang makapunta sa mga bansa sa Asia o kaya ay sa Europe at puwede ring sa Australia kung saan ang pag-a-abroad na ito ay magaganap sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Setyembre o kaya ay Oktubre at sa iyong pagbabalik sa ating bansa, itatala naman ang mabunga at maligayang pag-aasawang hatid ng kasalukuyan mong boyfriend na maaaring maganap sa taong 2023, sa edad mong 34 pataas.




Comments