top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Never again na raw sasali sa beauty pageant… MARIEL, PAGOD NA PAGOD NANG MAG-DIET AT SUMAGOT SA Q &a

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2019
2 min read

KINUMPIRMA ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na talagang ayaw na niyang matawag na beauty queen at ayaw na rin daw niyang sumali pa sa mga beauty pageants tulad ng ipinost niya sa kanyang Instagram story last November, 2018.

Nakausap namin si Mariel sa pocket interview nila ni Ogie Alcasid para sa Master of Love Valentine concert at tinanong nga namin kung seryoso ba siya talaga sa kanyang sinabi sa IG post niya.

“Yes,” tugon naman niya. “It’s tiring, ayoko nang mag-diet,” sey pa niya na ikinatawa namin.

“At ayoko na ng Q&A (Question and Answer portion),” natatawa pa ni­yang sabi. “I mean, I like interviews, but Q&A (sabay-iling)?”

Pero dagdag naman niya, “For me, it was the fun part sa Binibini, but I don’t want to get through it again. I mean, I like it but I don’t want to do it again.”

Nakausap nga rin daw niya ang ibang beauty queens at iisa ang sinasabi ng lahat — “It’s tiring.”

Ngayon ay may bago nang mundong papasukin si Mariel at ito ay ang musika. Na-realize raw niyang mas gusto pala niyang maging classical singer at gusto niyang mag-aral ng classical voice sa New York.

In fact, nakaplano na siyang pumun­ta sa NY next month para tumingin ng school na pag-aaralan pero one month lang daw siya roon at next year pa na­man niya balak mag-aral.

Four years siyang mag-aaral sa US at willing daw siyang i-give-up ang kanyang career dito sa Pilipinas.

Late bloomer daw siya kaya recently lang niya na-realize what she wants in life.

“I’m more sure now that I wanna do singing more and maybe, hopefully, more plays, if there are auditions,” she said.

At bilang simula ng kanyang pagiging singer, special guest si Mariel sa Valentine concert ni Ogie na Master of Love sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page